Adyastabol na Parisukat
Hugis na inayos,
Tila isang korteng hindi maipaliwanag,
Ang tanging kahulugan lang,
Ay ang kakayahang magbigay galak.
Bawat gilid ay siyang minasdan,
Hanggang sa maaninag ang lumitaw na pangalan,
Wari isang panaginip, kinusot ang mata,
Katotohanay bumunyag, pinigil ang paghinga.
Ito ba’y isang palabas?
O isang uri nga himala?
O siyang simula,
Nang bukod tanging pagkakaibigan?
Isang bagay na naganap,
Sa Adyastabol na Parisukat.
Sa bawat galaw, titig na hindi tiyak,
Ngiting animo’y balot ng misteryo,
Isang pagpipigil, hindi kayang iparating,
Bagay na maraming ibig sabihin.
Pilit ko mang hulaan o masdan,
Kagandahan at kaligayahang, aking tanaw.
Isang puwersang bago at kakaiba,
Maaring isang tuwa, na naka binbin sa araw araw,
Sabay sa daloy ng pag hiling ng pagasa.
Tulad ng Adyastabol na Parisukat,
Ang tangi kong karamay,
Kaligayahan kahit minsan.
Copyright 2009 Micgui





